Wednesday, October 28, 2009

Thoughts from the Past

i can't remember. when was the last time that i wrote something substantive? (define substantive) but i can remember some posts that i've made in the past that somehow helped me to surpass boredom. in this post i am sharing some stupid ideas i wrote in the past. these are the posts from my other blogs written few years ago. well, i've decided to keep 'em all in this blog.

Thoughts of a Thoughtless Poet

written on Jan 14, 2007

i tried to release the thoughts. no matter how uncertain it is. i can see the picture. but it's too vague. i'm blinded with the abstractions of colors and figures. and as i write it down, words just spilled out in the paper. i read it twice and thrice. but still.. its empty. i tried to imagine, putting myself to different worlds and ended up somewhere i don't know. staring at the pale colored wall in front of me. i watch my motionless shadow. sweat drops while my pen's ink drys. i'm just hopeless to give out something i've never had. it's hard to say something you've never heard. it's hard to describe something you've never seen. it is just so hard. where should i find the words? the thoughts? and the emotions? nowhere.. but here inside me. but inside me, it's empty. as a hungry poet who yearns for wisdom and life, who lacks experience and feelings, there's nothing i can do but wait, until experience teaches me, until time molds me and soon i'll have substance. so as i fill myself, i'll fill this paper.

The next one was my first and only post in filipinowriter.com

Daing na Pusit

written on December 1, 2006

Ginigising ako ng isang maingay na tunog. Hindi tumitigil, matinis, masakit sa tenga at paulit-ulit akong ginagambala sa aking pagkakahimbing. Ngunit wala akong pakialam. Hindi ko imumulat ang aking mata. Ayokong masilayan nanaman ang mundo ng usok, alikabok, buho-buhol na trapik, siksikang jeep, mainit na panahon, lubak na kalsada, mabahong palengke, basura, polusyon, quizzes, assignments, projects, mukha ng masungit kong propesor, mukha ng kaklase kong mayabang, plastik na ngiti ng seatmate kong makapal ang make-up, libro ko sa Statistics, madumi kong sapatos at matabang na pagkain sa canteen. Napapagod na ko. Patuloy na lang akong mananaginip kung saan madilim ngunit tahimik at payapa. Walang inaalala. Nagmatigas ako. Hindi ako papaapekto sa nakakarindi at nakakabulahaw na ingay na ito.

Ngunit ilang sandali pa. Sari-saring boses ang biglang nagsulputan sa aking pandinig. Tila umaayon sila sa ingay na gumigisng sa akin. Ibat'-ibang boses. Iba't-iba ang sinasabi. Pinagtutulungan nila ako!

Sabi ng makatang boring ang buhay...

"Gumising ka na! Kailangan dumilat. Kailangang tanggapin na hindi tayo nabubuhay sa pantasya mong paraiso, kung saan ang malinis at sariwang hangin ay kayamanan, kung saan ang lagaslas ng tubig ay musika, kung saan ang makukulay na bulaklak ay kaligayahan, kung saan ang sinag ng araw ay di nakakapaso."

Sabi ng pakelamera kong konsensya...

"Hindi ka pwedeng umabsent! Tanga ka ba? Isipin mo nga kung magkano ang matrikula mo sa buong semestre na ito! Tatlumpung libong piso mula sa dugo at pawis ng iyong mga magulang! Di ka ba nangihihnayang? Tanga!

Sabi ng estudyanteng grade conscious...

"Hoy! Bumangon ka diyan! Nakalimutan mo na bang may long quiz ka ngayon? Bagsak yung long quiz mo nung nakaraan! Kung gusto mong bumawi bumangon ka diyan!"

Sabi ng kung sinumang gusto lang manermon...

"Aba! Anong oras na oh?! Alam mo naman na sa 5th floor ang unang klase mo ngayon! At may assignment ka pang gagawin na hindi mo ginawa kagabi! Ayan kasi.. Katamaran!"

Sabi ng gimikera...

"Hey girlash! May gimik tayo sa Friday... remember? Kundi ka gigising ngayon wala kang baon! Wala kang panggastos sa gimik naten!"

Sabi ng malanding bakla...

"Bruha! Uy Thursday ngayon di ba? May class ka sa College of Business Building! Makikita mo nanaman yung crush mo na oh so fafable tlga! Dali na bangon na! Wag na mag-inarte! Wala kang dapat palagpasin na pagkakataon ngayon at bokya ang lovelife mo!"

Sabi ng kusinero...

"Daing na pusit, kamatis, sinangag at itlog ang almusal! Gising na!"

Sabi nilang lahat...

"GISING NA!!! BANGON NA!!!

Sabi ko...

"Waaaaaaaah!!!!! Bwiset!!!!!!!!!!

Hindi ko na matiis ang sari-saring boses na sinasabayan pa ng maingay na tunog! Inabot ko ang aking cellphone at pinindot ang buton na sagot sa kaniyang katahimikan. Pesteng alarm! Bakit pa kasing naisipan kong ialarm tong cell phone na to! Ngayo't alam ko namang hangga't maari ay ayokong magising at humarap sa panibago, nakakapagod at walang saysay na araw.

Ayaw ng utak ko gumana ngunit ang katawan ko ay tila may sariling isip. Kumikilos ng kusa. Kinuha ang tuwalya, binuksan ang ilaw, pumasok sa banyo at naligo. Parang isang manikang de susi. Wala akong magawa at wala na kong magagawa. Ako ay isang nilalang na binigyan ng buhay upang mabuhay at mabuhay sa buhay. Heto nanaman ako, haharapin ang isang panibagong umaga na hindi ko naman ninais masilayan.

Ilang minuto ang nakalipas at di ko namalayang nakaupo na pala ako sa jeep na siyang aking tagapaghatid- sundo ko sa araw-araw. Iniabot ko ang bente at pinagpasapashan ng tatlong kamay bago makarating kay mamang drayber. Labing walong piso ang pamasahe ko hanggang school, ngunit kung hindi mo sasabihin ang magic word, ito ay magigigng bente. Ano ang magic word? "Estudyante po!" Shing! Yun ang magic word! Ngunit nung araw na iyon tila wala akong lakas magsalita ni "ha" ni "ho" kaya't walang kibo ko lang na iniabot ang bente at hindi na naghintay na may babalik na sukli. Ngunit, Aba! Nagsukli si mamang drayber! Dalawang piso ang bumalk sa bulsa ko. May marunong pa palang magsukli ng tama sa ngayon. Mabuti naman. Kahit papano nabawasan ang kabadtripan ko.

Sinuri ko ang bawat mukhang nakapaligid sa akin sa jeep na iyon. "Sila kaya? Ginusto kaya nilang magising para sa araw na ito? O napilitan lang sila gaya ko?" Hindi ko alam. Dumungaw ako sa labas ng bintana ng jeep. Tinanaw ang paligid kahit na batid kong wala naman akong magandang makikita. Basura, polusyon, trapiko, sirang kalsada, sari-saring mukha ng tao at mukha ng kahirapan. Sadyang ganito lang siguro ang buhay. Alam mong walang dapat asahan ngunit patuloy kang umaasa. Ayaw mong gumising ngunit obligado ka o di kaya'y nagbabakasakaling baka sa araw na ito ay magkaroon ng pagbabago. Na sana sa susunod na iyong pagdungaw, maganda ang tatambad sa iyong mukha. Naghihintay sa maaring magandang mangyari. Magkaroon man lamang ng magandang dahilan upang ngumiti at gumising para sa susunod na bukas. Umaasang mahahanap ang kagandahan sa pangit na mundo.

(full of negativity.. hehe)

No comments: